Articles

0

Posted on : Thursday, October 19, 2006 | By : shapap | In : ,

KIM at GERALD pinaghihiwalay!
Liza Endaya
Bulgar

Matindi ang kinakaharap ngayon nina Kim Chiu at Gerald Anderson! Pinagbabawalan silang maging malapit at magkaroon ng ugnayan sa isa't isa dahil magkaaway daw ang mga parents nila!

Kaya naman, "you and me against the world" ang drama nina Kim at Gerald! At 'yan ang sitwasyong kinasasangkutan nila bilang mga bida sa epiosde ng longest running at top rating drama anthology na Maalaala Mo Kaya ngayong Biyernes nang gabi, Oct. 20 sa Primetime Bida.

Ito ay kuwento ng young love na kakaharapin ang lahat ng pagsubok para sa kanilang ipinaglalabang relasyon at pagmamahalan. Kapupulutan ng aral ang isasabuhay nina Kim at Gerald kaya hindi dapat palagpasin ang MMK episode na ito na idinirek ni Nuel Naval!

Kim at Gerald Bawal Nang Magkita!
Julie Bonifacio
Remate

May tension ngayon sa labtim nina Kim Chiu at Gerald Anderson, Naloka naman kami sa nabalitaan namin na bawal na daw magkita ang magkalabtim, E, paano na ang commitments nila lalo na't we heard na mag-uumpisa na ang teleserye nila na "Sana Maulit Muli".

Naku, mabuti na lang at di pala totoo ang tsismis, Nag ugat kasi ang tsismis na bawal silang magkita nu'ng gawin nila ang kauna-unahan nilang episode sa award-winning at top rating drama anthology sa bansa hosted by Ms. Charo Santos, ang "Maalaala Mo Kaya".

Isang mala Romeo and Juliet na kwento ang talaga namang magpapaantig at magpapaawa sa lahat ng manonood. Pagkatapos ng much-acclaimed performance ni Nash Aguas last week bilang isang batang may cancer, mai-in love naman tayo kina Kim at Gerald sa isang modern-day fairytale at kung paano nila malalampasan ang mga pagsubok ng buhay sa direksyon ni Nuel Naval ngayon Biyernes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Bigatin na talaga sina Kim at Gerald di ba? Pagkatapos kabugin ang programa sa kabilang network tuwing Linggo, hayan at inilagay na sila sa primetime with their new soap opera. At ngayon, kabilang na sila sa MMK making them part of the big league na talaga. Siyempre pa, hindi naman basta-basta ang MMK kaya naman napaka fortunate ng dalawa.

Comments (0)

Post a Comment