Articles

0

Posted on : Friday, October 20, 2006 | By : shapap | In :

PARENTS NINA KIM AT GERALD AWAY-AWAY?
BANDERA

Kahit may mga naninira sa loveteam nina KIM CHIU at GERALD ANDERSON , hindi pa rin apektado ang kanilang kasikatan .Tuloy pa rin ang pagsuporta sa kanila ng kanilang mga fans at tuloy pa rin ang tiwala sa kanila ng ABS-CBN kaya hindi pa rin sila nawawalan ng projects.

Nabatid namin na sa mga loveteams pala ngayon sa Philippine showbiz , isa ang kina KIM at Gerald ang may pinakamaraming tagahanga kaya nga todo ang pag-aalagang ginagawa sa kanila ng ABS para mas mapatatag pa ang kanilang samahan.

At hindi raw totoong pinagbabawalan na ng kanilang mother station ang dalawa na magkita dahil ipa-partner na raw sila sa iba. At lalong hindi rin daw totoo ang tsismis na nag-aaway-away ang parents nina KIM at GERALD dail sa personal na kadahilanan.

At bilang patunay lang na sila ang hottest young loveteam ngayon sa ABS , sila ang tampok mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya hosted by Ms Charo Santos.

Isang mala-Romeo & Juliet na kuwento ang inyong mapapanood tonight sa MMK na tiyak na magpapa-iyak na naman sa inyo. After the much - acclaimed performance ni nash aguas last week bilang batang may brain cancer, paiibigin at paluluhain naman kayo nina GERALD at KIM sa episode ng MMK tonight na idinirek ni Nuel Naval , Sa Primetime Bida pa rin yan ng ABS-CBN!


KILIG SILA SA MU NINA KIM AT GERALD
Kalokah!
Jun Reyes

Impressive ang resulta ng unang pelikula ng baguhang loveteam na sina GERALD ANDERSON at KIM CHIU . Imagine, sa kasagsagan ng bagyong Milenyo ito nag-open , pero di natinag ng hampas ng hangin at ulan ang mga taong pumila sa movie.

Tha day before the typhoon Milenyo nag-open ang pelikula , humataw agad ito. Kinabukasan nang sumalpok ang bagyo'y medyo tumamlay ito, pero the day after ay nagpakita nang muli ng lakas , Hanggang sa isinu-sulat namin ito ay kasalukuyan pa rin itong humahataw sa sinehan.

Malaking bagay ang nagawa ng Pinoy Big Brother Teen Edition , but we also believe na may talento ang dalawa kaya marami silang tagahanga.

True enough nga, ang "Love Spell" nila ay umabot nang one ang a half month sa telebisyon, 6 episodes tumakbo iyon at hindi natinag sa rating. Posibleng bigyan sila ulit ng panibagong episode sa naturang programa.

Busy sina GERALD at KIM ngayon sa soap opera nilang "Destiny", malapit na itong mapanood sa telebisyon . At ngayong gabi , sila ang bida sa MMK.

************ *
Isa rin sa dahilan kung bakit mataas ang rating ng "Aalog-alog" ay ang tambalan nina GERALD at KIM . Sila ang nagsu-supply ng romantic angle sa programa, at marami kaming nakausap na mga tagahanga nila ang nagsasabing kinilig sila sa dalawa. Kumpleto nga naman ang rekados ng programa. Mayroong komedi , na siyang tema talaga nito, pero dahil naroon ang dalawa ay nai-in love ang mga romantikong manonood dahil sa matamis na pagtitinginan ng mga ito.
In real life, nasa MU stage sila, and getting to know each other pa ba?

Comments (0)

Post a Comment