Article

3

Posted on : Tuesday, August 04, 2009 | By : shapap | In :

Trisha Alvarez ( PEP ) 08.04.09

Puring-puri ng veteran actress na si Nova Villa ang bida ng Tiagong Akyat na si Gerald Anderson. Ang young actor ang siyang magbubuwena mano sa mga characters na ginampanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr., na siyang mga tampok sa bagong serye ng ABS-CBN na Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla na mapapanood na sa August 15.

Si Gerald ang gaganap sa modernong bersyon ni Tiagong Akyat. Ina-inahang umampon naman kay Gerald ang papel na ginagampanan ni Nova.

"Ang comedy ko, very, very light. Kasi ako yung nanay ni Jayson [Gainza] na isang pari. And then, adopted ko si Gerald nung mamatay ang parents niya nung na-murder. So, masaya kami sa bahay, ganun. So, yun ang comedy roon," panimula muna ni Nova nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GERALD FAN. Hindi pa raw niya nakakaeksena ang lahat ng kasama sa cast. Mas madalas daw niyang kaeksena si Gerald na nasubaybayan niya ang career mula nang nasa Pinoy Big Brother Teen Edition pa lang ito hanggang sa Tayong Dalawa.

"Up to now, ang pinapanood ko yung Tayong Dalawa. Itong sina Arron [Villena] ( I think VILLAFLOR ito - auie0518) nakikita ko na sumasayaw sa TV. So, yun ang recall. And then, natutwua ako sa kanya. Maliit pa siya noon. Ngayon binatilyo na."

Sa palagay ba niya nag-improve na si Gerald sa pag-arte?

"Ah, yes. Malaki ang in-improve because, as I've said, nasundan ko yung umpisa niya noon. Hirap pa 'yang mag-Tagalog kasi Amerikano 'yan, e. English-speaking 'yan. Kita mo nga ngayon, medyo slang-slang pa. But naka-focus yung bata. Talagang he wants to be an actor siguro. Nag-aral. Magaling nang mag-Tagalog. And even yung kanyang akting mas may lalim. Malalim na."

Comments (3)

ahaha...tma c tita nova...cyempre nmn ahaha...pareho ka pla nming mga kimerald fans na hngang umpisa cnubaybayan mo na cya....sana nmn binangit mo rin c kim....ajaja...ingat..

i love gerald!!!

we will support gerald in tiagong akyat.di namin bibiguin at di namin pababayaan ang baby namin,,,,never kahit di c kim kapartner nya basta c kim lang palagi mahal nya we will be there forever.baby namin silang dalawa ni kim kaya aalagan namin cla at mamahalin ibigay namin suporta namin hangang kailangan nila.we love YOU gerald!!!!!!!!!!!always stay humble and grounded all the time d2 lang kami....PROMISE

Post a Comment