Article

0

Posted on : Tuesday, December 30, 2008 | By : shapap | In :

Kim Chiu may lovescene Sa 2 Lalaki
Veronica R. Samio ( PhilStar ) 12.30.08
Hindi akalain ni Kim Chiu na mahihirapan siya nang tumanggap sa kauna-unahang pagkakataon ng isang mature role sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN.

Akala niya na katulad lang ng dati yung magiging role niya na bukod sa makakatambal muli ang ka-loveteam niyang si Gerald Anderson ay may bonus na isa pang leading man in the person of Jake Cuenca.

Maling-mali siya dahil bukod sa magkakaro’n siya ng love scene sa dalawang aktor, meron pa rin siyang kissing scene kay Jake. Akala niya ay kay Gerald lamang siya magpapahalik. Nahiya nga siya dahil hindi ito simpleng halikan, medyo passionate ito kaya maging ang grupong Kimerald na nakapanood ng ilang eksena ay hindi niya maharap sa hiya.

Hindi lamang ang love scene niya ang nagbigay ng problema kay Kim. Nasaktan din siya sa confrontation scene nila ni Anita Linda, nang sampalin siya nito.

Ayaw sana siyang sampalin ng vete­ran actress, takot itong masaktan siya. Mukha raw kasi siyang fragile and frail, at baka rin daw mabastos siya nito sa gagawin niya, but Kim assured her na okay lang sa kanya. Handa ito sa anu­mang kahihinatnan ng eksena nila. Yun nga lang, nasaktan pa rin ito maka­tapos makunan ang eksena.

It seems hindi lamang sa kanyang mga roles nag-mature si Kim. Maging ang outlook niya sa buhay ay nagbago na rin. Nang magkaro’n ng isyu tungkol kay Gerald at kay Pauleen Luna ay expec­ted ng lahat na magri-react siya. After all, may relas­yon sila ng aktor bukod sa pagiging mag­ka-loveteam.

Pero tumahimik siya sa isyu, yun nga lang hindi naiwasang hindi siya madamay. Kaya palaging ki­nukuha ang reaksyon niya ng press. Kinausap din siya ng personal ng mga bossing ng Dos tung­kol dito.

Now that the issue has died down, tahimik muli ang buhay ni Kim. She has just celebrated a happy Christmas with her fa­mily, lahat ng kapatid niya at mga pinsan ay lu­mu­was ng Maynila para magka­sama-sa­ma sila. Yun lang na­man ang wish niya for Christ­mas na nag­karo’n ng katu­paran.

Comments (0)

Post a Comment