Article

0

Posted on : Monday, December 29, 2008 | By : shapap | In :

Kim at Gerald, nahuling naghahalikan!
Rey Pumaloy ( Abante Online ) 12.29.89
Pa-mature nang pa-mature ang role na ibini­bigay ng ABS-CBN kay Gerald Anderson. Katunayan, sa bagong teleserye ng Dos na Tayong Dalawa, hindi na pagpapa-cute ang ginawa nina Kim Chiu at Jake Cuenca.

“Nami-miss ko rin ‘yung mga teeny-bopper roles ko. Pero, nai-enjoy ko rin ang mature roles na ibinibigay sa akin.

“Actually, masarap na mahirap ang ginagawa ko ngayon, dahil kailangan kong makipagsabayan sa mga veteran actors,” sabi ni Gerald.

Sa taping daw nila ni Kim sa Baguio ay hindi sila masyadong nakapag-bonding. Dalawang eksena lang daw ang ginawa nila na magkasama sila.

“Sa 3-days namin sa Baguio, dalawang scenes lang kami nagkita ni Kim. After ng shoot namin, pahinga na agad kami. And then, gigisingin ulit kami para mag-shoot.”


Pero, may nagtsismis sa akin na sa syuting daw ng Shake, Rattle & Roll X noon ay may isang artista na nakakita sa kanila ni Kim na naghalikan.

Nangyari raw ang halikan nila nung matapos ang syuting nila?

Bago raw sila maghiwalay ni Kim, masuyo niyang hinalikan sa lips si Kim?

“Ah… Ha! Ha! Ha! Ha!

“What you see is what you get na lang. ‘Yun na lang, what you see is what you get!” reaksiyon ni Gerald.

Kunsabagay, mag-MU na nga sina Kim at Gerald ngayon. At smack lang naman sa lips ang ginawa nila at hindi super laplapan.

Inamin ni Gerald na bagamat mag-MU na sila ni Kim, sa trabaho pa rin daw sila naka-focus. Ikinuwento nga ni Ge­rald na busy rin siya sa pagpapagawa ng ba­hay niya na malapit lang sa Channel 2.

Malaki ang bahay na pinatatayo ni Gerald, at doon daw napupunta ang lahat ng pinaghirapan niya. Regalo nga niya `yon sa kanyang sarili, dahil puro kayod naman daw ang ginagawa niya.

Sa tantiya ni Ge­rald, aabutin ng 7 million pesos ang magagastos niya para sa bahay niya.

Biniro namin si Gerald kung paghahanda na ba ito para sa pagpapakasal nila ni Kim.

“Hindi naman! Pero, para sa future ko ito. Matagal pa ‘yun. Marami pa akong gustong gawin. At saka, investment ko na rin naman ito.”

Pero, si Kim ba ang plano niyang itira sa bahay na `yon?

“For sure, magsasama pa kami ni Kim sa mahabang panahon. Pero, ‘yung bubuo kami ng family, hindi pa. Masyado pang maaga,” nakangiting sagot ni Gerald.

Comments (0)

Post a Comment