Articles

2

Posted on : Thursday, June 12, 2008 | By : shapap | In :


- Gerald, Kim gumaling ang acting sa 'My Girl' 06.11.08
- Kim, sinu-showbiz lang ni Enchong? 06.11.08
scans c/o lian-angelkitty



Gerald will not stop Enchong from courting Kim
Melba Llanera ( PEP ) 06.12.08
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tk www.kimgerald.co.ccInamin ng young actor Enchong Dee na may special feelings siya sa co-star niya sa My Girl na si Kim Chui at balak niyang ligawan ang dalaga. Dahil dito, pumasok agad sa isip ng iba ang katanungan kung ano ang magiging reaksiyon ng ka-love team ni Kim na si Gerald Anderson.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald, sinabi niya na hindi siya nangangamba dahil karapatan naman daw ni Enchong na magustuhan ang kahit na sino, kahit pa si Kim.

"Tao si Enchong at hindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, right niya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindi sa akin, kasi siya yung babae," pahayag ni Gerald.

Sinabi rin ni Gerald na kahit manligaw si Enchong kay Kim ay hindi maaapektuhan ang magandang samahan nila ng kapwa young actor.

"Hindi kami magkakaaway because of that. Kasi kaibigan ko si Enchong, lagi kaming magkakasama sa taping ng My Girl and we're okay," aniya.

Malaki ang posiblidad na kung ipagpapatuloy ni Enchong ang panliligaw kay Kim ay maaaring kausapin nito si Gerald at magpaalam out of respect na rin sa kanya. Dito ay umamin na sa amin ni Gerald na sa ganitong situwasyon ay hindi na niya alam ang magiging reaksiyon niya.

"Siguro ‘pag kinausap na niya ako, dun ko pa lang talaga malalaman kung ano ang magiging reaction ko. Sa ngayon kasi talaga, hindi ko pa alam. Wala rin naman akong balak to ask Kim about that."

Lumabas din sa interview ni Enchong na hindi siya naniniwala na may espesyal na relasyong namamagitan kina Kim at Gerald. Hindi naman daw kasi niya nakitang sweet o close na close ang dalawa sa set ng My Girl.

"Akala ko ba sweet na sweet kami [ni Kim], ‘tapos ngayon hindi kami sweet and close ni Kim sa set? Parang nakakalito na ang mga issue. Sa dinami-dami ng mga sinasabi, iba-iba na siya," naguguluhang sabi ni Gerald.

BACK TO WORK. Ilang araw rin na nagpahinga si Gerald sa taping ng My Girl dahil bumagsak ang katawan niya dahil sa sobrang trabaho. Right now ay back to work na uli ang young actor.

"Okey na ako, lagnat lang," aniya. "Sa San Juan de Dios Hospital kasi yung location namin kaya tamang-tama na nasabihan kaagad ako na I need to rest muna. Ngayon, balik taping, balik trabaho."

May ilang nagbibigay ng negative feedback kay Gerald na hindi raw niya gaanong nabibigyan ng justice ang role niya as Julian sa My Girl. Nabubulol din daw siya sa ilang dialogues niya.

Hindi naman ito minasama ni Gerald. Aniya, challenge ito sa kanya para higit pang pagbutihan ang trabaho niya.

"Habang tumatagal, dun papasok yung character ko talaga. Kumbaga, kahit sino naman, hindi agad makukuha ang character mo. Hindi maiiwasang magkaroon ng comparison because may original na My Girl. But this will serve as a challenge to me para higit ko pang pagbutihan ang ginagawa ko," pahayag ni Gerald.



Kim on Enchong's plan to court her: "Bolero ‘yan! ‘Di ako naniniwala!"
Melba Llanera ( PEP ) 06.11.08

www.kimerald.co.nr www.kimerald.tk www.kimgerald.co.ccSa pocket presscon ni Enchong Dee few weks ago, he bravely admitted how much she admired Kim Chui and his plan to court the young actress.

Ayon kay Enchong, ‘di siya naniniwala sa sinasabing special relationship between Kim and Gerald dahil ‘di naman niya nakikitang close o sweet ang dalawa sa isa't isa.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) had an interview with Kim recently in ABS-CBN, nagbigay pahayag ang young actress na hindi siya naniniwala sa sinabing ito ni Enchong lalo't wala naman daw move na ipinapakita sa kanya ang aktor na may balak nga talaga itong manligaw sa kanya.

"Si Enchong, bolero ‘yan. Ewan ko sa kanya. ‘Di ako naniniwala sa kanya. Puro siya biro. Puro tawanan nga kami sa set. Puro biruan."

Dagdag na pinaliwanag pa sa PEP ni Kim hindi naman daw siya ang laging kasama ni Enchong nung magkakasama pa sila nito sa isang workshop ng ABS every Sunday mula pa nung January.

"Magkakasama kami sa isang workshop here in ABS every Sunday mula pa nung January at ang laging kasama ni Enchong ay si Empress [Schuck] at hindi ako."

Wala rin daw espesyal na pinapakita sa kanya ang aktor. Pati nga raw sa minsang communication nila through texts ay walang personal na tanungan sa mga anngyayari sa buhay-buhay nila.

"Minsan nagte-text siya, ‘Uy, punta ka sa party ni Ganito?' Pero ganun lang. Wala yung, ‘Kumusta ka na? Ano ang ginagawa mo?' Walang ganun."

Nang tanungin namin kung may pag-asa ba si Enchong kung saka-sakling manligaw ito sa kanya, ‘di naman itinago ni Kim na nababaitan siya dito pero hindi siya nagbibigay ng malinaw na sagot kung may aasahan ba ito sa kanya o wala.

"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siya as a friend pero kung may pag-asa ba siya? ‘Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewan ko sa kanya."

Sa sinabi naman ni Enchong na ‘di sila nakikita ni Gerald na close o sweet sa set ng My Girl, may paliwanag naman na binigay sa amin ang aktres.

"Oo, kasi magkahiwalay kami ng unit ni Gerald, ‘pag nagkikita kami. Ano lang, isang eksena lang sa unit na yun pero aalis na siya agad. Kami ni Enchong ang laging magkasama sa set."

But sa kabila ng sinabi ni Kim na sila ang laging magkasama ni Enchong sa set ng My Girl, pinili naman niya si Gerald na higit na mas malapit sa kanya dala na rin ng tagal ng kanilang pinagsamahan kumpara kay Enchong.

"Mas malapit sa akin si Gerald. Siya yung matagal ko nang kasama, si Enchong, every Sunday lang nung January saka sa taping ng My Girl. Siyempre iba yung friendship na namin ni Gerald."

GERALD IS DOWN. Balita na bumagsak daw at ilang araw nagpahinga mula sa taping ng My Girl si Gerald dahil sa taas daw ng lagnat nito. Sa tanong namin kung every now and then ba ang pangungumusta at pag-a-update niya sa kalagayan ng kapareha, klinaro sa amin ni Kim na hindi niya raw tinatawagan ang kapareha dahil ayaw niyang makaistorbo dito.

"Hindi niya kinaya, bumagsak nga siya nung kinukunan yung reaction shots niya, sabi niya, teka lang daw tapos umupo na siya kasi dumilim daw ang paningin niya.

"Minsan nagte-text ako, pero ‘di ako tumatawag kasi nandun naman yung handler niya. ‘Tsaka ayokong makaistorbo, nagpapahinga yung tao."

Marami ang pumupuri sa acting na pinapakita ni Kim as Jasmin sa My Girl samantalang may iba namang bumabatikos sa acting na ipinapakita naman daw ni Gerald as Julian at paminsan-minsang bulol daw na pagsasalita nito ‘pag nagda-dialogue. May depensa naman si Kim para sa kapareha.

"Mahirap kasi yung role niya as Julian, parang ginawa siyang sobrang matured pero ganun talaga ang role niya na masungit, strict. But lets give him chance and more time.

"Dun naman sa mga pumupuri sa akin, sobrang nakakatuwa kasi naa-appreciate pala nila. Nung una takot na takot ako kasi may mga negative na lumalabs na balita pero nung ipalabas na yung My Girl and sabi nila okey daw, natutuwa daw sila, dun naglubag ang loob ko."



Kimerald: Certified Hit Teen Loveteam!
Boy Abunda ( PinoyParazzi ) 06.1.08

www.kimerald.co.nr www.kimerald.tk www.kimgerald.co.ccKim Chiu and Gerald Anderson are hot! The young pair is called Kimerald by their adoring fans. Una silang nakilala bilang teen housemates sa Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where they emerged as the big winner and third placer, respectively. Since then, Kim and Gerald have appeared on several television shows, movies, and product endorsements.

Their new teleserye, My Girl, is currently airing on ABS CBN’s Primetime Bida. It is the Pinoy adaptation of the popular Koreanovela starring Korean stars Lee Dong-Wook, Lee Da-Hae, Lee Joon-Ki, and Park Shi-Yeon that was dubbed in Tagalog and broadcast on ABS-CBN in 2006.

Kim and Gerald are overwhelmed with the positive reviews na nakukuha ng My Girl. Dahil sa pagtangkilik ng buong bayan sa My Girl ay binansagan sila ngayon bilang Certified Hit Teen Loveteam ng Asia. Tumatatak ang bawat eksena sa mga manonood at marami na ang gumagaya sa sigaw ni Jasmine na “Tira, Tira!”

Maihihilera na ngayon sina Kim and Gerald sa mga matatagumpay na Asianovelas na nagpatibok sa puso ng mga Pinoy tulad nina Jarred and Jackie sa Lovers, Prince Gian and Janelle sa Princess Hours, at Brian and Joey sa Hana Kimi.

Kim just turned 18 and she received a pink Ford Lynx from Gerald as a birthday present. Marami ang nagtatanong kung bakit kotse ang ibinigay ni Gerald kay Kim. Simple lamang ang sagot ni Gerald: nabigyan na raw niya kasi ng flowers and jewelry si Kim.

Nasubukan na ni Kim imaneho ang bagong kotse pero hindi pa niya ito mailabas dahil wala pa siyang driver’s license kaya aasikasuhin na niya ang pagkuha nito.

Kim’s dad wants her to return the vehicle kasi nakakahiya raw kay Gerald. The young actor insists na buong puso raw niyang ibinigay ang pink car kay Kim. Pinag-ipunan niya ito. Sayang naman daw ang kanyang effort na maghanap ng ganoong klaseng kotse at pinakulayan pa niya ito ng pink. And Kim deserves it, Gerald swears. Kaibigan, usap tayo muli!



TV’s hot loveteam
( Philstar ) 06.10.08

Kim Chiu and Gerald Anderson are hot. The pair is called Kimerald by their fans. They first appeared as teen housemates on Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where Kim emerged as the big winner and Gerald, the third placer. Since then, Kim and Gerald have appeared on several TV shows, movies, and product endorsements.

Their new teleserye, My Girl, is airing on ABS CBN’s Primetime Bida. It is the Pinoy adaptation of the popular Koreanovela starring Lee Dong-Wook, Lee Da-Hae, Lee Joon-Ki and Park Shi-Yeon that was dubbed in Tagalog and broadcast on ABS-CBN in 2006.

Kim and Gerald are overwhelmed with the positive reviews of My Girl and are now called the Certified Hit Teen Loveteam of Asia.

Kim and Gerald’s teleserye stands alongside other successful Asianovelas that warm the hearts of Pinoy viewers like Jarred and Jackie of Lovers, Prince Gian and Janelle of Princess Hours, and Brian and Joey of Hana Kimi.

Kim recently turned 18 and received a pink Ford Lynx from Gerald as a birthday present. When asked why he gave Kim a pink car, Gerald replied it was the best gift he could think of since he has given Kim just about everything from flowers to jewelry.

Kim tried driving her new car but she still needs to get a driver’s license. Her dad wants her to return the vehicle. Gerald, on the other hand, insists that he whole-heartedly gave the pink car to Kim. He saved a lot for this special gift. And Kim deserves it, Gerald enthuses.

Comments (2)

ang galing talaga ng idol ko tma kayo"ASIAS MOST POPULAR LOVETEAM"sila i love kimerald 4ever!!!!!!

KIMERALD is my # 1 most favorite luvteam ever.. since sa bahay ni kuya til now... i luv it.. hehehe

Post a Comment