Articles

0

Posted on : Thursday, June 05, 2008 | By : shapap | In :

- Gerald, isinugod sa ospital! 06.05.08
- Gerald, naospital! 06.05.08
- Kim-Gerald Loveteam, mainit pa rin! 06.05.08
scans c/o lian-angelkitty



Gerald Anderson rushed to hospital due to overfatigue
Julie Bonifacio ( PEP ) 06.04.08
Bumigay ang katawan ng young actor na si Gerald Anderson dahil sa sobrang pagod sa set ng teleserye nila ni Kim Chiu, ang My Girl, sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City noong Lunes, June 2. Tinamaan ng lagnat si Gerald.

Nagkataon naman na ang location nila that day ay sa ospital kaya nabigyan agad si Gerald ng first aid at pinainom ng gamot. Dahil dito, hindi nakunan ang mga eksena ni Gerald, pero tuloy pa rin ang taping ng ibang cast.

Worried na worried si Kim nang malaman ang condition ni Gerald. Hindi ito mapakali at gustong sumunod sa nilipatang hospital ni Gerald. Naibsan ang worry ni Kim nang tiyakin ng production staff na she will be informed every now and then sa kalagayan ng kapareha.

"He was advised to get at least three-day rest," ayon sa nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mataas ang temperature niya. At first, we thought it was dengue."

That same day, nakuha rin daw agad ang resulta ng tests ni Gerald. Negative ang aktor sa urinary tract infection (UTI) at dengue. Nakahinga nang maluwag ang mga handler ni Gerald sa magandang resulta ng tests.

Makakahinga na rin nang maluwag ang mga fans ni Gerald ngayong safe na ang young actor sa isang kinatatakutang karamdaman.

Hopefully ay makapag-report na si Gerald sa set ng My Girl this Friday, June 6. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes kasi ang taping nila ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN. Maraming maiipit na commitments kung nagtuluy-tuloy ang sakit ni Gerald.

The following day, Saturday (June 7), Gerald and Kim will play a big part sa Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na gaganapin sa Araneta Coliseum. Isang bonggang production number ang gagawin nila ni Kim at ng iba pang cast.

Kung matatandaan, sina Kim at Gerald ay produkto ng first season ng PBB Teen Edition. Si Kim ang naging Big Winner at third placer naman si Gerald.

Nagpapasalamat naman si Gerald dahil patuloy ang pagtaas ng viewership ng My Girl. Base sa latest survey, ito ang number one primetime show ng ABS-CBN ngayon.



'Di na nga ba uso ang Love Team?
Gina Marissa Tagasa ( Pinoy Parazzi )

Ang pinaka-fresh na nakikita kong maganda ang chemistry bilang love team sa ngayon ay sina Kim Chui at Gerald Anderson. Young, beautiful, perky, charming sila tuwing nakikita namin sa screen. Parang hindi Pinoy kundi Koreanovela ang napapanood namin sa tambalang ito. Ang adaptation ng Korean series na “My Girl” ang nagpaigting muli sa tambalang ito. Effective sila as a love team pero mukhang magkakapustahan kung tatagal sila as individual talent. Kung mabubuhay muli ang magic ng LOVE TEAM sa screen dahil kina Kim at Gerald, hayaan nating patunayan ‘yon ng “My Girl.”

Comments (0)

Post a Comment