Articles

0

Posted on : Tuesday, May 20, 2008 | By : shapap | In : ,

- Kim nagregalo rin ng mahal na wakeboarding set kay Gerald 05.20.08
- Kim turns Asian star in 'My Girl' 05.20.08
- Kim Chiu stars in Pinoy 'My Girl' 05.20.08
- 'My Girl' ginastusan nang todo ng ABS-CBN 05.19.08
- Kim ayaw gamitin ang kotseng B-day gift ni Gerald 05.19.08
- Ang pink na kotse at si Kim 'My Girl' Chiu 05.19.08
- Kotseng regalo ni Gerald kay Kim, ipinasosoli ng ama 05.19.08
- Kotse isinoli ni Kim 05.19.08
scans c/o lian-angelkitty



Pink na kotse na regalo ni Gerard, nilait-lait ni Kim!
Dondon Sermino ( Abante Online ) 05.19.08

Bago mag-debut si Kim Chiu noong nakaraang buwan, inasam niya na magkaroon ng kotse na kulay pink. At matapos ang kanyang debut, isang kulay pink na kotse ang iniregalo sa kanya ni Gerard Anderson.

“Hindi ko naman inaasahan na magreregalo si Gerard ng kotse na pink.

After ng debut ko, kumain kami ng mga kasama ko sa Eastwood. And then, bigla na lang may kulay pink na kotse na pumarada sa harap namin.

“Sabi nila, maganda `yung kotse. Pero ako kasi, hindi ako nagandahan, kasi light lang `yung pagka-pink niya. Dark pink kasi ang gusto ko. Nilait-lait ko pa `yung kotse.

“Sabi ko pa, parang ang hirap-hirap namang i-drive. And then, biglang lumapit na lang si Gerard sa lugar namin. Niyaya niya ako na i-test drive `yung pink na kotse. Gulat na gulat ako,” kuwento ni Kim.

Prangkahang sinabi ni Kim na hanggang ngayon ay hindi pa niya ginagamit ang kotse na regalo ni Gerard.

“Hindi pa, kasi pala­ging may shooting, kaya van ang ginagamit ko, dahil marami akong dinadalang gamit. At saka, wala pa sa pangalan ko `yung kotse,” nakangiting kuwento pa rin ni Kim.

Sinasabi ni Kim na wala pa silang relasyon ni Gerard. Pero, hindi ba nakakatakot `yon na tumanggap na siya ng regalong kotse mula sa binata?

“Nung una natakot ako, nahiya akong tanggapin ang regalo. Sabi nga ng papa ko, isoli ko raw. Eh, nakakahiya naman, kasi regalo nga `yon. Sabi ko nga, bakit mo ba ako binigyan ng kotse, ang mahal pa naman noon.

“Sabi ng papa ko, maghati na lang daw kami sa bayad. Pero, ayaw talaga ni Gerard, kasi sa akin daw ‘yon, regalo raw. Nakakahiya talaga,” kuwento pa rin ni Kim.

Sabi, siguradong mauobliga na si Kim na sagutin si Gerard, lalo na at nagregalo na ito ng kotse sa kanya. Aba, kahit na sabihin pang second hand lang `yung kotse, kotse pa rin `yon, `no!

“Eh, gift lang naman `yon. Grasya ‘yon, ‘di tanggapin,” nakangiting say niya.

Siyanga pala, ngayon pa lang ay puring-puri na si Kim dahil sa magandang performance niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pinoy version ng Korea­novela na My Girl.

Sa teaser pa lang, bagay na bagay kay Kim, at mukhang hindi siya umaarte sa lahat ng eksena niya. Pahayag pa ni Kim, ganun talaga siya sa tunay na buhay, na bungisngis, at kikay na kikay.

Sa May 26 na ipalalabas ang My Girl, na dinidirek nina Erick Salud at Jerome Pobocan.



Veronica R. Samio ( Philstar ) 05.20.08

Mapapanood na sa May 26 sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Pinoy My Girl, starring Kim Chiu.

Bagay na bagay talaga si Kim bilang leading lady ng teleserye dahil sa kanyang very exotic and oriental features. Maraming preparasyon na ginawa ni Kim para sa kanyang role kasama na ang pag-aaral ng Mandarin. Gaganap si Kim bilang si Jasmine, isang madiskarte, matapang at masipag na babaeng laki sa hirap. Dahil palaging pumupunta sa iba’t ibang lugar kasama ang ama, street smart at magaling mambola si Jasmine para makalusot sa gusot. Sa pamamagitan ng isang kakaibang sitwasyon, makikilala niya si Julian (Gerald Anderson) at sa ’di inaasahang pangyayari, mapipilitang mabuhay sina Jasmine at Julian sa pagpapanggap at kasinungalingan.

Si Kim ang isa sa pinakamatagumpay, pinakasikat at pinaka-paboritong teen actresses sa bansa at sa Asya ngayon. Siya ang My Girl, sa direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan.



Kim, sinaniban!
Vinia Vivar ( Journal Online ) 05.19.08

Mukhang sumanib na kay Kim Chiu ang kanyang karakter sa My Girl, dahil sa solo presscon niya last Saturday para sa nasabing serye, para siyang kiti-kiting galawgaw na laugh nang laugh na animo’y kinikilig.

Super-funny and bubbly kasi ang character ni Kim bilang Jasmine sa My Girl, na kahit daw puro problema na sila ng kanyang ama ay tinatawanan lang nila.

Ang favorite term niya ay “tira-tira,” na sa Korea raw ay “Aja,” madalas sabihin ng leading lady sa original version.

Dahil wala ang leading man na si Gerald Anderson sa presscon, si Kim ang inurirat nang husto tungkol sa kotseng iniregalo sa kanya ng young actor nu’ng birthday niya last April 19.

Eh, wala namang masyadong alam si Kim sa kotse kaya hindi niya ito maidetalye nang husto. Basta ang say niya, ang alam niya ay second hand na Ford Lynx, pina-repaint ni Gerald ng pink, dahil nabalitaan nga ng young actor na ito ang gusto niyang kulay.

Hindi rin masabi ng young actress kung magkano ang worth ng kotse, pero may nagsabi naman among the press na P200,000 at may nagsabi ring P1 million ang nagastos ni Gerald.

Kuwento nga ni Kim, nang una niyang makita ang kotse, hindi pa niya alam na para sa kanya ’yun at nilait-lait pa niya ang kulay.

“Sabi ko pa nga, ‘ay, ang pangit ng pagka-pink, light lang.’ Maya-maya, nakita ko may dumarating na isa pang sasakyan na parang sasakyan ni Gerald, tapos, nakita ko na siya. Tapos, sabi sa akin ng mga kasama ko, i-test drive ko raw ’yung pink na car. Nagulat ako, sabi ko, ‘bakit?’ ’Yun pala, ’yun na nga ’yung gift ni Gerald,” kuwento ng young actress.

Noong una raw, ipinasosoli ng ama niya ang car, pero ayaw daw pumayag ni Gerald.

“Kasi, siyempre, nakakahiya, sasakyan, ang mahal-mahal. Pero ayaw ni Gerald tanggapin, kasi raw nag-effort-effort pa siya na gawing pink. At saka, grasya din ’yun, ’di ba? Ibinibigay sa akin, ’di tanggapin,” say niya saka humagikgik.

Hindi pa raw niya ginagamit ang kotse, kaya binibiro siya na ipa-frame na lang niya, lalo pa nga’t rare model pala ’yun dahil phased out na ito sa market.

Anyway, dahil nga sa tinanggap niya ang kotse, ibig bang sabihin nito ay sila na ni Gerald?

“Ay hindi pa po,” say niya. “Pero siyempre, alam ko na nanliligaw siya dahil binigyan niya ako ng kotse. Pero, wala pa po siyang sinasabi sa akin.”

Ibig sabihin, hindi pa nagtatapat si Gerald sa kanya at mas gusto niya raw na magtapat muna ang young actor.

Pero may understanding ba sila?

“Hindi ko po masabi, eh. Ewan ko sa nararamdaman ko,” sabay hagikgik na naman. “Basta siya ’yung parang maasahan kong parang kaibigan ko sa showbiz. Basta sana, huwag niya akong madaliin,” say ni Kim.

Samantala, magsisimula na ang airing ng My Girl sa May 26 at ayon kay Kim, makikita sa serye na Pinoy na Pinoy talaga ang ating bersyon.

Comments (0)

Post a Comment