Article

0

Posted on : Monday, August 20, 2007 | By : shapap | In :

Kim at Gerald, nakakikilig ang duet
www.abante-tonite.com

Inilabas na ng Star Records ang debut album ni Kim Chiu na pinamagatang Gwa Ai Di.Walong kanta ang nakapaloob dito. Tatlo sa mga ito ay Chinese – ang title track na Gwa Ai Di, ang Peng Yeo na inawit ni Kim sa Bahay ni Kuya, at ang The Moon Represents My Heart na karaniwang kinakanta sa kasalan.

Merong duet sila rito ni Gerald Anderson, ang nakakikilig na I’ve Fallen For You.Ang carrier single nito ay ang Crazy Love na bittersweet ang dating.

Nagsimula ang promo tour ni Kim para sa album na ito kahapon sa SM Marilao. Kapagkuwan ay magsu-show siya sa Agosto 26 (Linggo) sa Bluewave Marikina.

Comments (0)

Post a Comment