Articles

0

Posted on : Saturday, July 21, 2007 | By : shapap | In : , ,

Gerald clarifies misunderstanding with Gokada Go director
Julie Bonifacio
from PEP

Nababahala pa rin si Gerald Anderson sa isyu nila ng Gokada Go! director niya na si Edgar "Bobot" Mortiz nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong reality-model search ng ABS-CBN na Be Bench (The Model Search).

Nakarating mismo kay Direk Bobot na nagsalita diumano si Gerald ng hindi maganda sa kanya habang nagti-taping ng show nila. Diumano, nag-complain si Gerald na ang bagal-bagal niyang magdirek. Sabi pa raw ng matinee idol na simpleng eksena lang daw ay napakatagal kunan.

Kasunod ng isyung ito ay lumabas ang balitang wala na si Gerald sa Gokada Go!. Tinanggal daw si Gerald ni Direk Bobot sa show dahil sa mga sinabi niya.

"Ah, hindi," mariing tanggi ni Gerald. "Six episodes lang ang usapan ng Star Magic at Gokada Go!.

"Sa akin, hindi ko po talaga alam kung bakit six months lang. Sila po ang nag-meeting doon. Sa akin po, gusto ko ‘yung show, this is a show away from drama. Pero ‘yon po talaga ang usapan."

May sama ba ng loob si Gerald sa pagkawala niya sa show?

"Hindi naman po masama ang loob ko, pero parang sayang. 'Tsaka okay naman. Nakaka-miss din ‘yung show, sobra!" sabi niya.

Pero totoo ba na sinabi niyang matagal magdirek si Direk Bobot?

"Hindi ko po talaga matandaan kung kailan or kung saan ko ‘yon sinabi. Pero kung si Direk Bobot ang nagsabi na sinabi ko talaga... I never meant it para ma-offend siya. Mataas po ang respeto ko kay Direk Bobot bilang isang direktor at bilang isang artista din," paliwanag niya.

Nag-apologize na ba siya kay Direk Bobot?

"Naghahanap ako ng paraan para makausap siya," sabi ni Gerald. "Hindi pa po ako nakakapag-apologize sa kanya kasi kararating lang namin from the States dahil nag-show po kami doon.

"May nagsabi po sa akin bago ako umalis, pero nandun ‘yung gulat factor. Parang hindi ako naniniwala. Sobrang bait po kasi ni Direk Bobot. Actually, nag-dinner pa kami, siya po ang nagbayad sa dinner namin kaya nagulat po ako. Pero gaya ng sabi ninyo, si Direk Bobot mismo na ang nagsabi.

"Actually, akala ko kuwento-kuwento lang. Doon po ako talagang, ‘Uy, may ginawa pala talaga ako.' Siguro na-misunderstood po or something. Pero ayun po, parang hindi ko kayang magsalita ng ganun para ma-offend si Direk Bobot."

What a coincidence na kasunod sa isyu nila ni Direk Bobot ang pagkawala niya sa show.

"Hindi po talaga kasi six episodes po ‘yung usapan," giit ng young actor.

Wala bang renewal ‘yung contract niya sa Gokada Go!?

"Hindi ko po kasi alam kung ano ang usapan nila. Ako, sumusunod lang ako sa mga schedules ko. Sila ang nagsasabi sa akin.

"All I can say is talagang sorry po. Hindi ko po sinadya para ma-offend kayo or kahit sino po sa set. Hindi po talaga mauulit ‘yon and I never meant it para ma-offend po kita. Sorry po talaga," mensahe ni Gerald kay Direk Bobot.

Ano ang lesson para sa kanya ng pangyayari?

"Dapat maging maingat," sabi niya. "Kasi parang dapat be cautious sa mga sinasabi mo and always respect ‘yung mga co-workers mo, co-actors, director, PA, lahat-lahat. Sorry po talaga."

Kim, 'di makalimutan ang mga nangyari sa kanila ni Gerald sa States
thanks to ate lian
by
Billy Balbastro
Abante

Direk Lino Cayetano expected that he would do a lot of waiting when he accepted his debut film, I’ve Fallen For You, The Kim Chiu–Gerald Anderson movie.

The two young stars have a lot of commitment on TV and shows here and abroad.

In fact Lino and his other stars like Albert Martinez, Amy Perez, Cloyd Robinson and Lotlot de Leon are waiting for Kim and Gerald to come back this weekend from shows in the US.

So filming in this Star Cinema movie resumes on July 23 and 24.

"Tatapusin na raw, I hope," an insider tells us.

Comments (0)

Post a Comment