Article

0

Posted on : Wednesday, July 04, 2007 | By : shapap | In : ,

Gerald denies he's a problem on the set of movie with Kim
Rommel Placente
from PEP

May mga kumakalat na balita na nagiging sakit ng ulo ng Star Cinema ang young actor na si Gerald Anderson. Diumano ay lagi siyang late kung dumating sa shoot ng latest movie nila ng ka-loveteam na si Kim Chiu, ang I've Fallen For You.


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald last Sunday, July 1, sa Aliw Theater para sa ASAP '07, pinabulaanan niya ang isyung ito.

"Hindi po ako madalas nali-late. Isang beses lang po akong dumating ng late dahil nagkamali po ako sa pagpunta sa location namin. Ibang location po ang napuntahan ko, e. Kasi, andami naming locations sa shooting ng movie—may bahay, may restaurants... nalito po ako," paliwanag ni Gerald.

Pinabulaanan din ni Gerald na nagrereklamo siya sa writer ng kanilang pelikula dahil sa mga mahahabang lines niya na naging dahilan kaya nabubulol siya sa pagsasalita ng Tagalog.

"Talaga, nagalit daw ako sa writer? Baka hindi ako bigyan ng linya!" pabirong sabi ni Gerald.

"Alam n'yo ba na may mga lines ako na English na tina-translate ko sa Tagalog para matuto ako, kahit pangit ang labas? Hindi po ako nagrereklamo. Siyempre, minsan po, nati-take two, nati-take three, pero never tumagal ang eksena.

"May sarili po akong Tagalog tutor sa set. Every day rin po akong nag-aaral ng Tagalog para matuto ako," kuwento ng binata.

Ayon pa kay Gerald ay malapit na nilang matapos ang shooting ng pelikula nila ni Kim. Kahit wala raw silang kissing scene dito ay marami naman daw mga eksenang nakakakilig na tiyak na magugustuhan ng mga manonood, lalo na ng kanilang fans.

"May smack naman po kami sa movie, e," sabi ni Gerald.

Si Lino Cayetano ang direktor ng I've Fallen For You at puring-puri ni Gerald ang batang direktor sa kanyang unang pelikula.

"Sobrang bait po niya. Para ngang hindi siya direktor, e. Parang kaibigan lang siya sa set," ani Gerald.

Sa August na ipapalabas ang I've Fallen For You. Bukod sa ASAP '07 ay regular ding napapanood si Gerald sa Go Kada Go.

Comments (0)

Post a Comment