Articles

0

Posted on : Thursday, May 29, 2008 | By : shapap | In : ,

- Pink car na regalo ni Gerald idinisplay na ni Kim 05.29.08
- Gerald at Kim, may MU 05.29.08
- Problema ni Kim, maliit na braso 05.29.08
- 'My Girl' Pilot Episode 05.28.08
scans c.o lian-angelkitty



Pinay My Girl’s favorite expression ‘Tira! Tira!’ has become a craze
( ABS-CBN Interactive )
My Girl is only on its first airing week but "Tira! Tira!" has quickly turned into a fad that everybody loves to utter especially among the teens. It’s the term that Kim Chiu’s character often cries out to boost her morale every time she’s in the brink of downfall.

Kim happily explains, "Yung expression na 'yon, madalas sabihin ni Jasmine kapag naiipit siya sa isang sitwasyon! Meaning, go, go, go!"

Truth be told, it’s no big surprise if people are captivated with the Pinay My Girl and her favorite expression. After all, Kim Chiu is a popular teen icon who has inspired the youth with her charm, confidence, and countless talents ever since her stint in Pinoy Big Brother Teen Edition back in 2006. Perhaps this is one of the reasons why My Girl has acquired a strong viewership.

So the next time you feel down and blue, just remember, "Tira! Tira!"

Keep yourself in the loop! Catch Kim Chiu’s hilarious adventures on My Girl, weeknights, right after Lobo on Primetime Bida.



Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 05.29.08

Ilang araw pa lang nasa ere ang My Girl nina Kim Chiu at Gerald Anderson, bongga na agad ang feedback sa kanila.

Napanood namin ang ilang eksena nito at talagang kinakarir ni Kim ang pagi-ging Jasmine, huh.

In fairness, good choice nga si Kim para sa Pinoy version ng Koreanovelang ito.

Nga pala , kasama rin sa My Girl si Alex Gonzaga, ang batang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kapansin-pansin nga lang na kung gaano ka-reserved type itong si Toni sa pagsagot sa mga ta-nong ng press people ay siya namang pag-kaprangka nitong si Alex.

Balita nga na-min, balak pa raw ni-tong pantayan o hi-gitan ang narating ni Toni, ayon sa napag-alaman namin, huh?

Bongga. Wala namang kumpetis-yon sa lagay na 'yan? Tingnan natin.

Anyway, aba-ngan ang mga nakakikilig na episodes sa buhay nina Jasmine at Julian sa darati na araw.

In fairness, iba pa rin talaga ang magic nina Kim at Gerald, may kakai-bang kilig ang tambalan nila kung kaya't mahihirapan yata si Kim kapag ipinare-has siya sa iba.



Aster Amoyo ( Philstar ) 05.29.08

Marami ang ayaw maniwala na walang relasyon ngayon bilang mag-sweetheart ang stars ng My Girl na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero sumusumpa si Kim na talagang magkaibigan lang sila ni Gerald hanggang ngayon at hindi pa raw umano siya handa na makipag-boyfriend although aminado ang teener na espesyal sa kanya ang batang aktor na nagregalo sa kanya ng isang second hand pink car na binili ni Gerald ng P300,000.

Gusto sanang isoli ni Kim kay Gerald ang sasakyan dahil napakamahal naman nitong regalo pero ayaw niyang mapahiya si Gerald na talagang gumastos at nag-effort na bigyan siya ng pink car na pangarap niyang magkaroon.



Kimerald topped ratings with My Girl
( Get it from Boy ) 05.29.08

The phenomenal loveteam of Kim Chiu and Gerald Anderson popularly known as Kimerald returns to Philippine television via MY GIRL. My Girl is the Filipino version of the hit Koreanovela My Girl. My Girl premiered on Monday, May 26 after Lobo in ABS-CBN’s Primetime Bida. And it posted an impressive debut in the no.5 slot with 28% audience share in Mega Manila, topping ABS-CBN’s primetime block.



Edgar O. Cruz ( Yehey ) 05.28.08

“‘My Girl’ did 28% in their survey,” answers Deo when asked how the Kim Chui starrer did on opening day. The survey he’s referring to is the AGB Nielsen television survey which ABS-CBN has stopped subscribing. Only GMA subscribes to it now, thus, the reference it’s GMA’s survey. Deo adds, “OK na. The counterpart show did 31%.”



Tonee Coraza ( Journal Online ) 05.28.08

Napanood namin ang pilot episode ng My Girl sa prescon nito last Thursday at isa na kami sa pumalakpak pagkatapos nitong maipalabas.

Gandang-ganda kami sa pagkaghawa nito at bumilib kami nang husto sa performances ng mga bida dito. Nag-improve na nang husto ang Tagalog ni Gerald Anderson at gumaling din nang husto ang acting ni Kim Chui.

Hindi nagpatalbog si Kim sa acting ng Korean na bida ng original My Girl. Ito ang hindi naranasan ni Sandara Park dati. Swak na swak sana kung magbibida rin si Sandara sa ganitong remake ng isang Koreanovela dahil Korean mismo si Sandara.

But in fairness to Kim nakatulong din nang husto ang pagiging half-Chinese niya kasi nakapagsalita siya ng fluent Fookein sa My Girl.

Bumilib din kami kay Alex Gonzaga na kahit walang Chinese blood na na-nanalaytay sa kanyang dugo ay nagawa rin ni-yang magsalita ng fluent Fookien sa teleserye.

‘Yun nga lang 40 minutes daw niyang pinag-aaralan ang bawat Chinese dialogue niya through the help of a Pinay Chinese translator.

Ang “kakambal” naman niya sa istorya na si David Chua ay nakapasa sa audition para sa kanyang role dahil marunong si-yang mag-Fookien. At nang nakapasok na si David sa My Girl ay kinuha na siya ng Star Magic ng Dos. But before this ay nag-audition daw siya sa Startstruck batch 4 pero hanggang top 40 lang ang ina-bot niya. So GMA’s loss is ABS-CBN’s gain!

Napansin lang namin na kopyang-kopya ang direction at ang lapat ng musika nito sa original My Girl. Sa totoo lang, para nga kaming nanonood ng isang totoong Koreanovela.

Siguro isa ito sa requirements ng franchise kaya pati ang mga artistang kinuha ay puro mga tsinita at tsinito plus kailangan nilang magsa-lita ng Chinese para maintindihan ng mga Koreano.

Inaabangan din ang pagsusuot nina Kim at Gerald ng swimwear sa My Girl. Pero so far raw ay wala pang kuha ang mga ito sa swimming pool area ng hotel.

Ang sigurado raw ay ang pagsusuot ng skimpy swimwear nina Niña Jose at Enchong Dee na kasama rin sa My Girl at mali-link kina Gerald at Kim.

Bilib naman kami kay DJ Durano dahil sunud-sunod ang projects niya sa ABS-CBN. Tulad nina Kim at Gerald, kasama rin siya sa Maligno na pinalitan ng My Girl.

Magaling kasing character actor si DJ kaya paborito siyang i-casting sa mga teleserye at mga pelikula. Puwede rin siya pareho sa serious at comic acting.

Alumnus ng That’s Entertainment din si DJ. At naging GF niya noon si Rufa Mae Quinto na kamiyembro niya sa Wednesday group dati ng That’s.

Malapit na siyang i-launch ng Viva Films sa isang movie na mala-Dahas ni Richard Gomez ang dating kung saan isang psycho killer ang role niya. At the age of 33 ay na-maintain din ni DJ ang kanyang seksing panga-ngatawan!



Prying press made Kim cry
Mario E. Bautista ( Malaya ) 05.28.08
We can’t blame Kim Chiu for crying as she was being grilled by some writers during the presscon of "My Girl." She felt she was being subjected to the third degree as they kept on pressuring her to admit that she and Gerald Anderson are already going steady because he gave her a P300,000 used car as a birthday present and no boy will do that for someone who’s not his girlfriend yet.

"We’re really just friends," Kim insists. "Nahiya nga ako nung nakita ko ang regalo niya. Kasi, ang kapal naman ng mukha ko para tanggapin ‘yung ganung sasakyan. Kaya lang, sayang naman ‘yung effort niya na maghanap ng pink na car na gusto ko, tapos hindi ko tatanggapin. Even my dad, ayaw tanggapin ang car, kaya I was returning it to Gerald. Kaya lang, nagalit si Gerald kasi nga nag-effort siya, tapos hindi ko tatanggapin. Friends lang po kami talaga. Importante si Gerald sa buhay ko as he’s really a dependable friend."

The writers insisted they’re on. "Hindi po talaga. Kahit buksan po ninyo ang puso ko, totoo po ang nakalagay riyan. Kung kami talaga, I won’t deny it. Ayoko lang talaga madaliin."

Kim then started crying. When asked why, she said: "Kasi po pinipilit ninyo ako, e. Parang pinalalabas ninyong nagsisinungaling ako."

At this point, her tears must have melted the hearts of the prying writers and they finally believed her that she and Gerald still have no commitment with each other.



Kim at Gerald nagpakatotoo na... MU lang sila?
Veronica R. Samio ( Philstar ) 05.27.08

Walang balak ang magkaparehang Kim Chiu at Gerald Anderson na gimikan ang mga fans nila para lamang i-promote ng Pinoy version ng My Girl na nagsimula ’di lamang nang mapanood kahapon sa ABS-CBN.

“We’re super close pero hindi kami nagmamadali. Gusto naming mag-focus muna sa aming career,” sabi ni Gerald na gumaganap bilang Julian, tagapagmana ng isang maunlad na negosyo.

“We’re almost there, nakakahiyang sabihing ‘MU’ because wala kaming commitment, walang obligasyon sa isa’t isa,” ani Kim who could have taken advantage of the popularity of their loveteam to promote My Girl by not commenting of the real score of their relationship, tutal ’di lamang sa ‘Pinas tanggap ang kanilang tambalan kundi maging sa ibang bansa sa Asya tulad ng Taiwan at sa Africa at Cambodia na kung saan napapanood ang kanilang unang serye na Sana Maulit Muli. Pero sa halip, nagpakatotoo ito sa kanyang mga sinabi.

Gumaganap naman bilang karibal ni Julian (Gerald) sa puso ni Jasmine (Kim) si Nico (Enchong Dee), ang best friend niyang spoiled at walang direksyon sa buhay. Bahagi naman ng isa pang love triangle si Anika (Niña Jose), ex-gf ni Julian. Best friend naman ni Jasmine si Christine (Alex Gonzaga. Si David Chua si Jeffrey, mai-in love sa assistant ni Julian na si Shiela (Regine Angeles).

Mapapanood din ang My Girl sa internet, sa pamamagitan ng TFC now!

Comments (0)

Post a Comment