Fall in love all over again with ‘My Girl'
( ABS-CBN Interactive ) 05.24.08
My Girl—the hit Korean drama series which swept the Filipino viewers off their feet when it was aired by ABS-CBN in 2006—is back with an all-new Pinoy twist with the first ever adaptation of Koreanovela on Philippine TV.
Kim Chiu plays the role of Jasmine, a Fil-Chinese girl whose zest for life never wavers despite her endless struggles. Her destiny changes once she crosses paths with Julian (Gerald Anderson) who asks her to pretend to be his long-lost cousin to grant his grandfather’s dying wish. As they carry on with their charade however, Jasmine learns that nothing good will come out of the ruse, especially when it leads to some romantic confusion. In an increasingly complicated situation, where will fate lead these "partners in crime?"
Fans definitely have to tune in and witness the hottest teen love team in the country KIMERALD take on these popular roles. In fact, directors Erick Salud and Jerome Pobocan are all praises for the two talented stars for their exemplary performance. They also reveal that Kim and Gerald’s remarkable chemistry both in reel and real life makes it easy for them to shoot the super kilig scenes between the adorable Jasmine and Julian.
Also part of the cast are Enchong Dee (Nico), Nina Jose (Anika), Alex Gonzaga (Christine), David Chua (Jeffrey), and Regine Angeles (Sheila) who’ll definitely keep things on the romantic front interesting. The quirky characters played by Ronaldo Valdez, Bing Loyzaga, Lito Pimentel, K Brosas, and DJ Durano will complete the fun and drama of Kapamilya’s latest TV offering. Catch the Pinay My Girl starting this Monday, May 26, right after Lobo on Primetime Bida.
We want to hear from you! Write us your feedback at web_feedback@abs-cbn.com
Kim kilalang-kilala sa Asian countries
( Philstar ) 05.24.08
Pinag-uusapan na talaga ang next teleserye ng Chinese cutie na si Kim Chiu - ang Pinoy My Girl na mapapanood na sa May 26 sa Primetime Bida sa ABS-CBN.
Bagay na bagay talaga si Kim bilang leading lady ng nasabing teleserye dahil sa kanyang very exotic and oriental features. Maraming preparasyon ang ginawa ni Kim para sa kanyang role kasama na ang pag-aaral ng Mandarin. Gaganap si Kim bilang si Jasmine, isang madiskarte, matapang at masipag na babaeng laki sa hirap. Dahil palaging pumupunta sa iba’t ibang lugar kasama ang ama, street smart at magaling mambola si Jasmine para makalusot sa gusot. Palaban rin ito kaya naman pag may nang-aaway sa kanya ay “Tira-tira!: ang sagot nito. Sa pamamagitan ng isang kakaibang sitwasyon, makikilala niya si Julian (Gerald Anderson) at sa di inaasahang pangyayari, mapipilitang mabuhay sina Jasmine at Julian sa pagpapanggap at kasinungalingan.
Sa maikling panahon ni Kim sa industriya ng showbiz, naipakita na niya agad ang kanyang talento sa pag-arte kung kaya’t marami na ang humanga sa kanya, mula sa co-actors, directors at fans. Lumabas na siya sa mga episodes ng GoKada Go, Love Spell at Your Song ngunit ang pinakamalaking tagumpay ni Kim bilang isang actress ay nang magkaroon ng sariling teleserye na Sana Maulit Muli kung saan isa siya sa bida at naipalabas na sa Taiwan, Malaysia, China at iba pang Asian countries. Naghakot din ito ng iba’t ibang awards kaya naman nasundan ito ng mga pelikula tulad ng First Day High at I’ve Fallen for You.
Hindi nagtagal, naging recording artist na rin si Kim kung saan gumawa siya ng album under Star Records, Gwa Ai Di, na siyang handog niya para sa kanyang mga fans. Nanalo siya ng awards dito tulad ng Song of the Year at Best Female Pop Performance para sa single na Crazy Love. Magkakaroon din ng soundtrack ang My Girl kung saan may mga awitin mula kay Kim Chiu pati na kina Sam Milby at Yeng Constantino.
Mula sa madaming TV guestings, iba’t ibang teleserye, pagiging isang singer at pagiging isang in demand at effective na product endorser, si Kim ang isa sa pinaka-matagumpay, pinaka-sikat at pinaka-paboritong teen actresses sa bansa at sa Asya ngayon.
ABS-CBN's romantic comedy "My Girl" premieres May 26
Bong Godinez ( PEP ) 05.24.08
The creative team behind the local franchise of the popular Koreanovela My Girl took the liberty of adapting the hit show suit to the taste and culture of Filipinos.
"In the contract, we were allowed to change it to the point na dapat ma-Filipinize siya, dapat iakma lang sa culture ng Pilipinas because magkaiba ang culture ng Koreano at Pinoy," My Girl co-director Jerome Pobocan informed PEP (Philippine Entertainment Portal) in an interview last May 22 after the press preview held at the Studio 1 of ABS-CBN.
The location settings for My Girl are, of course, familiar to Filipinos — Luneta, Antipolo, Zambales, Tagaytay, and other places.
Direk Pobocan added, "We really adapted it to the Philippine situation and [formulated it] the way ABS-CBN comes up with a teleserye. ‘Yong formula ng ABS sa paggawa ng teleserye, inapply namin dito, plus the fact that we lightened up para magmarka ‘yong essence ng totoong My Girl."
KIMERALD. Leading the cast of My Girl is Kim Chiu who portrays the role of Jasmine, a spunky, street-smart and charming jack-of-all trades heroine. Starring with Kim is her love-team partner Gerald Anderson, who plays the well-off, serious and educated Julian.
My Girl follows the story of Jasmine whose poor fortune suddenly changes when she is hired to pretend as Julian's long lost cousin. Jasmine's role takes a sudden turn when she realizes that she is falling in love with Julian. The feeling, it turns out, is mutual. Problem is, the lovers can't come out in the open since everyone already believes they're real cousins. My Girl is a love story intertwined with comic situations.
"They improved a lot since Sana Maulit Muli," boasted direk Pobocan about the performance of Kim and Gerald. "The passion is there. Mas lalong nag-intensify 'yong passion. Because before [in Sana Maulit Muli], passion lang. That kept me going na i-train ‘yong dalawang bata. Now, bukod sa passion, may skill na although they have a lot to learn still pero meron nang dimension."
Between the two, it was Kim who showed marked improvement as an actress. Even her directors were surprised.
"I'm so proud kay Kim kasi alam ko meron na [talent] ‘yong bata noon pa lang. Pero I never expected na ganito. Leaps and bounds," observed Direk Pobocan who shares directorial duties with Erick Salud.
"This early they [Kim and Gerald] learned that in this business, it's not enough that you're popular. In this business, you need skill and you need to love it and I think ginagawa naman nila. Mahal nila ‘yong trabaho nila that's why pinaghuhusayan nila."
Kim had to learn Mandarin to justify her role as a tour guide for Chinese tourists.
She revealed, "Hindi po kasi ako marunong mag-Mandarin. Ang alam ko po talaga, Fookien, yun po ang sinasalita namin sa bahay. Pero Mandarin po, hindi po talaga. Kaya double effort pa po talaga. Bale may teacher po kaming nagtuturo sa amin ng pagsasalita ng Mandarin. Ako po, si Alex Gonzaga at saka po si David Chua [ang nag-aral ng Mandarin]."
YOUTH AND EXPERIENCE. Joining Kim and Gerald are Enchong Dee, Nina Jose, Alex Gonzaga and David Chua. Complementing the young cast are veteran actors Ronaldo Valdez, Bing Loyzaga, Lito Pimentel, and comedian-singer K Brosas.
Mixing veterans with young stars gives the show a perfect balance, particularly in some scenes that require experience and depth.
ABS-CBN is also scheduled to release the My Girl soundtrack, which includes the songs, "Sabihin Mo Na" and "Crazy Love" (Chinese version) performed by Kim Chiu. A duet by Kim and Gerald of "Sabihin Mo Na," "My Girl," by Sam Milby, "Gulo, Hilo, Lito," by ex-Moonstar 88 vocalist Acel Van Omen and Pinoy Dream Academy alumna Yeng Constantino.
The cast will go on a nationwide tour of malls and various campuses.Watch the premiere episode of My Girl, May 26 (Monday), on ABS-CBN's Primetime Bida.
- Kim at Gerald, di na pang-PBB lang!
- Kim Chiu, umiyak nag-walk-out sa interview
- 'My Girl' Press Preview
- Gerald, ipinaliwanag kung bakit pink na kotse ang niregalo kay Kim
- Kim Chiu naiyak
- Kim Chiu scans c/o lian-angelkitty
Kim, biglang umiyak!
Allan Diones ( Abante Tonite ) 05.24.08
Biglang umiyak si Kim Chiu habang iniinterbyu namin pagkatapos ng press preview ng My Girl kamakalawa nang gabi sa Studio 1 ng ABS-CBN.
‘Uminit’ ang interbyuhan nang mapadako ang tsikahan sa kotseng iniregalo sa kanya ng ka-loveteam niyang si Gerald Anderon nang mag-18th birthday siya kamakailan.
Ayon kay Kim, nagulat din siya na niregaluhan siya ng kotse (isang second-hand Ford Lynx car na pinapintahan ng pink ni Gerald) ng kanyang ka-loveteam.
Nabanggit niya sa isang presscon na gusto niya ng pink car, pero hindi niya akalaing tototohanin ito ni Gerald.
“Nagulat ako, sabi ko, ‘Bakit??’ Sabi niya, ‘Wala. Kasi, kung magbibigay ako ng iba, hindi mo naman magagamit!’” kuwento ni Kim.
Dahil kotse ang natanggap niyang regalo mula kay Gerald, ibig bang sabihin nito ay sila na?
“Hindi, wala pa rin… dahan-dahan lang!” nakangiting sagot ng dalaga.
Sundot namin, hindi ba siya nahiya no’n na tinanggap niya ‘yung kotse na hindi pa pala niya sinasagot si Gerald?
“Nahiya, syempre! Ang kapal naman ng mukha ko kung ‘Uy, thank you ha?’ Ganu’n lang, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!
“Pero hindi ko naman sinabi sa kanyang sasagutin ko na siya. Hindi naman po ganu’n si Gerald na nanghihingi ng kapalit.
“At saka nu’ng una, pinapasoli ng daddy ko (‘yung kotse) pero ayaw niyang tanggapin. Kasi, sayang naman daw ‘yung effort niya,” sey ng tsinitang young star.
Hindi biro ang magregalo ng kotse sa hindi mo karelasyon, kaya maraming naniniwala na mag-on na sila ni Gerald…
“Ewan ko, bahala na lang sila kung anong gusto nilang isipin!” sambit ni Kim.
Kasi, pwedeng hindi sabihin nang diretso ni Gerald na ‘Sagutin mo na ako!’ pero nasa kanya na ‘yon kung makokonsensya siya, ‘di ba?
“Ayy, dahan-dahan lang! Kasi, nakakatakot din pag kayo, tapos magka-loveteam kayo. Paano pag nag-away kayo? Masisira ‘yung trabaho n’yo! Ganu’n po.
“At saka ako po kasi ang breadwinner ng pamilya ko,” naka-smile pa ring katwiran ng dalaga.
Eh, kung bigyan siya ng pink na bahay ni Gerald, sasagutin na ba niya ang binata?
“Ay, masyado na po ‘yung mahal! No… sa kanya na lang ‘yon. Ibigay na lang niya sa pamilya niya, sa kapatid niya…”
Ano bang kailangang ibigay ni Gerald para sagutin niya?
“Wala po… maghintay? He! He! He!”
Hanggang kailan maghihintay si Gerald?
“Hindi ko po alam!” pakli ni Kim, na halatang medyo nakukulitan na sa mga tanong namin sa kanya.* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
So, para na rin niyang sinabi na hindi niya love si Gerald?
“Importante po si Gerald sa akin at isa siyang maaasahang kaibigan ko. Alam naman niya ‘yun, eh!” dayalog ni Kim.
Kaya nga… friendship lang ang nararamdaman niya kay Gerald at hindi love?
“Opo, pagkakaibigan na siya po ‘yung isa sa ka-close ko ngayon sa showbiz…”
Bakit may mga naniniwala na sila talaga, pero mukhang dinedenay lang nila?
“Ano ba ang sasabihin ko…” sey ni Kim, na tila hindi maapuhap kung anong isasagot niya.
“Kahit buksan n’yo po ‘yung isip ko at ‘yung puso ko, totoo po ‘yung sinasabi ko. Hindi po kami nagdedenay. Kung meron, meron po. Syempre, wala naman pong naitatago rito sa mundo ng showbiz!”
Eh, bakit naiba yata ang mga sagot niya? Sa interbyu niya kamakailan ay nabanggit niyang nasa ibang level na sila ni Gerald at binigyan niya pa ito ng rating na ‘8’, ngayon ay parang nagbago na siya ng statement?
“Opo, pero hindi ko naman po sinabi na love na ‘yung ibig sabihin ng 8, ‘di ba?” sagot ng bagets.
So, mas bumaba pa pala ngayon sa ‘8’ ang rating ni Gerald, imbes na tumaas?
“Hindi naman. Nandiyan pa rin siya. Basta, ‘yun na ‘yon!” hirit niya.
Mahirap bang aminin na sila na?
“Naku, ano ba? Paano ko ba sasabihin…” sey ni Kim, na parang gusto nang humingi ng tulong.
Mahirap bang mahalin si Gerald?
“Hindi, hindi siya mahirap mahalin. Pero hindi naman pwedeng madaliin ‘yung mga bagay-bagay, ‘di ba?
“Kahit sino, hindi kailangang magmadali. Kung nandiyan ‘yan at para sa ‘yo ‘yan, para sa ‘yo talaga ‘yan!” mariing sagot niya.
Hindi kaya totoo ‘yung isyu na naging sila talaga ni Gerald, pero nag-break na sila kaya iba na ang mga pahayag niya ngayon?
“Wala… hindi…” ani Kim, na nahihirapan nang sumagot. “Bakit n’yo ba ako pinipilit?” bulalas niya.
So, totoo bang naging sila ni Gerald, pero nag-break na sila?
“Hindi, hindi naman po naging kami, eh…” nanginginig ang boses na pakli ng dalaga, sabay takip ng kanyang mukha at bigla na lang siyang umiyak.
Napahinto kami dahil totoo ang iyak ni Kim at parang napaka-helpless niya sa gitna ng ‘interrogation’ sa kanya ng mga kaharap na press.
“Parang pinalalabas n’yo po kasi na sinungaling ako, eh…” emosyonal na emote niya habang patuloy sa pagluha.
Ipinaliwanag sa kanya ng mga kaharap na manunulat na iba ang sinungaling sa ‘inconsistent’ ang mga sagot, kaya ipinalilinaw namin sa kanya ang mga bagay-bagay.
Hindi na kami nag-follow up question dahil baka lalo siyang umatungal.
Napansin din naming ayaw nang sagutin ni Kim ang mga sumunod na tanong sa kanya at bigla siyang tumahimik after uminom ng tubig at pahiran ng tissue ang kanyang mga luha.
Hindi siya tumayo para mag-walkout, pero tikom na ang kanyang bibig.
In fairness ay hindi kami nainis kundi nakyutan pa kami sa unexpected crying moment ni Kim.
Naiintindihan naming bukod sa bago lang siya sa industriya ay bagets pa siya kaya hindi pa gaanong sanay sumagot sa mausisang showbiz press.
Sa Lunes (Mayo 26) ang simula ng My Girl sa ABS-CBN Primetime Bida.
Kim, umiyak sa sobrang sama ng loob!
Rey Pumaloy ( Abante Online ) 05.24.08
Umiyak sa sobrang sama ng loob si Kim Chiu sa presscon ng bago niyang serye na My Girl. Hindi nakayanan ni Kim ang sunud-sunod na pang-uurirat sa kanya ng press tungkol sa relasyon daw nila ni Gerald Anderson.
Habang ini-interview si Kim ng mga manunulat, bigla na lang itong tumahimik at kasunod na agad ang pagtulo ng kanyang luha.
Anyway, bago ang pag-iyak ni Kim, kinulit siya ng mga manunulat tungkol sa pink car na iniregalo sa kanya ni Gerald nung debut niya.
Nakangiti pa si Kim sa simula, at sinabi nga niya na hindi pa niya nagagamit ang pink na kotse. Busy raw siya sa My Girl.
Pero, iginiit ng mga manunulat na may relasyon na sina Kim at Gerald, dahil kahit second hand lang daw ang pink na kotse ay nagkakahalaga pa rin ito ng 300 thousand pesos.
Sabi nga, hindi magriregalo ang isang lalake ng ganun kamahal sa isang babae, kung hindi nito girlfriend ang babae.
“Hindi po. Friends lang kami.
“Sabi ko nga po, nahiya ako nung nakita ko ang regalo niya. Kasi, ang kapal naman ng mukha ko para tanggapin ‘yung ganung sasakyan.
“Kaya lang, sayang ‘yung effort niya na maghanap ng pink na car, tapos hindi ko tatanggapin.
“Kahit ang daddy ko, ayaw tanggapin ang car. Isinoli ko kay Gerald ‘yon.
Pero, nagalit si Gerald kasi nga nag-effort siya, tapos, hindi ko tatanggapin.”
Iginiit pa ng isang manunulat na kapag nagbigay ang isang lalake ng mamahaling regalo sa isang babae, itinuturing na ng lalake na pag-aari niya ang babae.
“Ay, hindi po! Wala pong ganun. Hindi po siya ganun!” pagtutol ni Kim.
“Friends lang po kami talaga. Importante si Gerald sa buhay ko. Isa siyang maasahang kaibigan,” say pa ni Kim.
Pero, naging makulit ang mga kaharap na manunulat kay Kim. At may nagsabi pa na nagdi-deny lang si Kim sa tunay na relasyon nila ni Gerald.
“Hindi po. Kahit buksan po ninyo ang puso ko, totoo po ang nakalagay riyan. Hindi po ako magdi-deny. Kung meron, meron. Kung wala, wala po talaga.”
Mahirap bang mahalin si Gerald?
“Hindi po siya mahirap mahalin. Hindi lang po talaga puwedeng madaliin ang mga pagmamahal.”
Sabi-sabi na naging mag-on sila noon, pero nag-break kamakailan?
“Hindi po talaga naging kami!”
Sa puntong ito, hindi na tinantanan si Kim ng mga manunulat. Hindi nga sila kumbinsido sa mga sagot ni Kim.
At ‘yun na nga, bigla na lang umiyak si Kim.
“Kasi po pinipilit ninyo ako, eh,” umiiyak na sabi ni Kim.
“Kasi po, pinalalabas ninyong nagsisinungaling ako,” umiiyak na dugtong pa rin ni Kim.
Anyway, kinailangan pa ngang umiyak si Kim para makumbinsi ang mga manunulat na nagsasabi siya ng totoo. Na sabi nga, hindi pa rin showbiz si Kim, at naiiyak pa rin ito sa mga ganitong kuwentuhan.
Kim, umiiyak na lumayas sa preskon!
Vinia Vivar ( Journal Online ) 05.24.08
Pinalakpakan ng press ang nakaaaliw na pilot episode ng My Girl sa preview at launching na ginanap last Thursday night sa Studio 1 ng ABS-CBN.
Kinarir talaga nang husto ni Kim ang mga eksena, lalo na ang airport scene kung saa’y tatawa ka talaga nang husto sa bigay-todong pag-arte ng young actress.
Pero after the preview, medyo nabahiran ng lungkot ang masayang atmosphere nang makita na lang ng lahat na umiiyak si Kim habang ini-interbyu.
Tila ikinasama ng loob ng young actress ang sunud-sunod na tanong sa tunay na estado nila ni Gerald Anderson na parang hindi pinaniniwalaan ng reporters ang kanyang sagot.
Feeling ni Kim, pinalalabas siyang sinungaling ng press.
Pero say ng mga reporter na nag-interview, nililinaw lang nila ang mga sinasabi ni Kim dahil inconsistent ang mga sagot nito sa tuwing makakapanayam nila.
Well, talaga lang sigurong may pagka-iyakin si Kim. Natatandaan namin, napaiyak din siya nang i-announce noon ng ABS-CBN na siya ang napiling gumanap sa My Girl.
O, baka naman may problema lang ang young actress?
Anyway, ang nakatutuwa ay ang reaksyon ni Gerald nang makitang umaalis si Kim matapos itong umiyak. Wala kasing kamalay-malay ang young actor sa nangyari sa ka-loveteam dahil nasa kabilang table ito’t iniinterbyu rin.
Nang makita ni Gerald na umaalis si Kim nang malungkot, halos mapilipit ang leeg niya sa pagsunod ng tingin sa leading lady. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala.
Hindi na nakatiiis ang binata, tumayo na rin at sinundan si Kim. Hindi na nakabalik pa ang dalawa.
Pero say ng taga-ABS-CBN na si Eric John Salut, may kukunan daw kasing plug or something sa dalawa kaya kinailangan nang umalis.* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Bago ang iyakan, nakausap namin si Gerald at inamin niyang may ‘something’ naman sila ni Kim. “MU” raw siguro ang tawag sa relasyon nila ngayon, pero the kind na walang commitment o obligasyon.
Wala pa raw talaga sila sa boyfriend-girlfriend kind of relationship dahil hindi naman sila nagdi-date at hindi ’yung tipong nakakapag-holding hands na.
“Hindi naman po kasi ako nagmamadali. Ayaw kong sirain ’yung magandang friendship namin ngayon. Ganito na lang po muna siguro,” aniya.
Hindi rin worried si Gerald na baka maagaw ng ibang lalaki si Kim dahil sa ngayon, halos araw-araw niya itong makakasama since may project nga sila together.
“Kaya araw-araw ko po siyang mababantayan.”
Inurirat din kay Gerald ang kotseng ibinigay niya kay Kim at say niya, bayad na raw iyon. Ayaw nga lang niyang sabihin kung magkano.
“Napaka-rude ko naman po kung sasabihin ko pa ang presyo. Basta po, matagal na matagal ko pong pinag-ipunan ang pinambili ko nu’n at sorry na lang po kung sinasabing second-hand lang dahil ’yun lang po ang kaya ng budget ko,” say niyang nakangiti.
Noon pa raw, alam niyang gustung-gusto ni Kim ang kotseng pink, dahil tuwing makakakita raw ang kapareha ng ganu’n, sinasabi nitong “ay ang ganda ng kotse, kulay pink.”
Kaya raw nagkaroon siya ng idea na ito ang ibigay na gift sa 18th birthday ng dalaga.
Naintindihan daw niya kung bakit gustong ipasoli ng ama ni Kim ang sasakyan, pero okay naman daw sila’t kaharap pa nga ito nang ibigay niya ang kotse.
Say pa ni Gerald, matatawag na niyang “my girl” si Kim kapag ginamit na nito ang kotseng ibinigay niya.
Actually, ginamit na nga ito ng dalaga nang i-test drive at nakasakay pa si Gerald.
So, matatawag na niyang “my girl” si Kim?
“Oo naman. Pero hindi ’yung “my girl” na she belongs to me,” say niya.
Ay ewan, ang gulo!
Anyway, magsisimula na ang My Girl sa May 26, Monday. Kasama rin sa cast sina Enchong Dee, Niña Jose, Alex Gonzaga, Regine Angeles, Bing Loyzaga, Ronaldo Valdez, DJ Durano at K Brosas mula sa direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan.
Kim napaiyak, Gerald natatawa
Rowena Agilada ( Tempo ) 05.24.08
Napaiyak si Kim Chiu sa presscon ng ‘My Girl’ nang kulit-kulitin ng press tungkol sa relasyon nila ni Gerald Anderson. Ayaw kasing paniwalaan ang press release niyang wala silang relasyon kundi isa lang si Gerald sa mga close friends niya sa showbiz.
Isang reporter ang nagsabing binigyan na siya ni Gerald ng kotse, ang lagay na ‘yon daw ba, eh, hindi pa niya ito sinasagot? "Wala naman siyang hinihinging kapalit. Nahiya nga akong tanggapin, kaya lang sayang ang effort ni Gerald na hinanap pa ang gano’ng klaseng car (Ford Lynx na pinapintahan pa nito ng kulay pink). Basta, hindi pa kami at bahala na ang mga tao kung ano’ng gusto nilang isipin," sey ni Kim.
When asked kung bakit ayaw pa niyang sagutin si Gerald, natatakot daw kasi siya na baka masira ang kanilang love team. Baka raw kasi kapag nag-away sila ni Gerald ay maapektuhan ang kanilang trabaho.
"Eh, hindi ba nag-break na nga kayo?," hirit ng isang reporter. Doon na napaiyak si Kim at nagsabing, "Bakit ba kasi pinipilit n’yo ako? Hindi naging kami. Pinapalabas n’yong nagsisinungaling ako." Nagkatawanan na lang ang mga kaharap niyang reporters at talagang dinedma na niya ang mga sumunod na tanong.
Mag-MU na. "Almost there," ang sagot naman ni Gerald nang tanungin sa estado ng relasyon nila ni Kim. Aniya pa, sort of MU (mutual understanding) na sila ni Kim.
O, di ba, magkaiba ng statement ang dalawang stars ng ‘My Girl’? Sino ngayon ang dapat paniwalaan? Si Kim na deny-to-high heavens na hindi pa sila ni Gerald? O, ang huli na umaming mag-MU na sila ni Kim? Hindi nag-tugma ang script ng dalawa kung ano’ng isasagot sa makukulit na press.
Ay, naku! Dapat next time ay mag-rehearse silang mabuti kung ayaw nilang magpabuking sa estado ng kanilang relasyon.
Kung umiyak si Kim, panay naman ang tawa ni Gerald sa magkahiwalay na interbyu sa kanila matapos panoorin ng press ang first episode ng ‘My Girl’ sa Studio 1 ng ABS-CBN. Cute at nakakaaliw ang mga eksena na kering-keri ni Kim ang pagiging kikay. Si Pokwang daw ang ginaya niya dahil parati siyang natatawa sa komedyana na nakatrabaho niya sa ‘Aalog-alog.’
Perfect choice si Kim gumanap bilang Jasmine sa Pinoy version ng ‘My Girl.’ Mapapanood na simula sa Lunes (May 26) sa Primetime Bida ng ABS-CBN, at sa internet through TFCnow! Mag-log on lang sa www.abs-cbnnow.com.
Abangan din ang mga event ng ‘My Girl’ nationwide sa mga mall at school ngayong June at July.
Malapit na ring i-release ang soundtrack ng ‘My Girl’ na may mga kantang ‘Sabihin Mo Na’ at ‘Crazy Love’ (Chinese version) ni Kim, ‘Sabihin Mo Na’ (duet nina Kim at Gerald), ‘My Girl’ by Sam Milby, ‘Gulo, Hilo, Lito’ by Acel Van Omen at ang version ni Yeng Constantino ng ‘Sabihin Mo Na.’
Comments (0)
Post a Comment