Article

0

Posted on : Thursday, January 04, 2007 | By : shapap | In : ,

Gerald, nakatikim sa reporters
By: Vinia Vivar
from www.journal.com.ph

Hindi nagta-tally ang mga sinasabi nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa presscon kahapon ng Sana Maulit Muli.

Nang tanungin kasi si Gerald ng press kung ano ang Christmas gift nila sa isa’t isa ni Kim, aniya ay wala raw at hindi sila nagbigayan ng regalo.

Pero iba naman ang sinabi ni Kim. Aniya, binigyan siya ng butterfly-shaped earrings ni Gerald bilang Christmas gift at siya naman ay bracelet ang ibinigay sa ka-loveteam.

Tinawag ng press si Gerald sa harap ni Kim at pinaulit ang sinabi nito na wala siyang ibinigay na gift.

Halos hindi makapagpaliwanag si Gerald sa sunud-sunod na sumbat sa kanya ng reporters.

Finally, say niya, “Kasi, hindi naman Christmas gift ‘yun. Iba ’yung binigay ko sa kanya,” sabay baling kay Kim, ‘kelan ko binigay sa ’yo ‘yung hikaw?’ Sagot naman ni Kim, nu’ng New Year. So, say ni Gerald, hindi raw Christmas gift ’yon.

Asus at nagpalusot pa ang young actor!

Pinaalalalahanan tuloy siya ng press na huwag paglaruan ang mga reporter dahil hindi ito makabubuti para sa kanilang career.

Samantala, nagkapareho naman sina Kim at Gerald sa kanilang sagot nang linawin sa kanila ang issue ng halikan.

Diumano ay may nakakita raw kasi sa dalawa na naglalaplapan sa set. Pareho nila itong itinanggi.

Ayon kay Gerald, kung sa screen nga ay hindi sila puwedeng maghalikan, sa tunay na buhay pa kaya?

Ganundin naman ang sinasabi ni Kim, hindi raw ito totoo. Nag-uusap lang daw sila sa set ni Gerald at kung minsan, nagkakaroon ng mga lambingan at harutan pero never daw na halikan.

Pareho silang kabado at excited sa resulta ng kanilang first teleserye na “Sana Maulit Muli” na magsisimula na ngayong January 8 sa Kapamilya Primetime Bida. Nagustuhan namin ang teaser nito at tama sina Gerald at Kim sa pagsasabing heavy drama nga ito dahil katakot-takot na iyakan na ang nakita namin.

Ayaw ikuwento ni Gerald ang nasa teaser na namatay na si Jasmine (Kim) pero nakita niya itong muli sa school. Panoorin na lang daw para mas ma-excite ang viewers.

Kasama rin sa nasabing malaking soap drama ng Abs-CBN for 2007 suba Mickey Ferriols, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Erich Gonzales, Nerry Naig, Jake Cuenca, Miss Gloria Diaz at marami pang iba mula sa dreksyon nina Jerome Pobocan at Tots Sanchez-Mariscal.

Comments (0)

Post a Comment