Kim-Gerald, huhusgahan na kung high o low sa takilya 09.27.06

0

Posted on : Wednesday, September 27, 2006 | By : shapap | In : ,

Alfie Lorenzo
from Abante-Tonite

Huhusgahan na sa takilya ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pagpapalabas ng pelikulang First Day High ngayong Miyerkules sa 100 sinehan sa kapuluan.

Co-stars nina Kim at Gerald dito sina Maja Salvador, Jason Abalos at Geoff Eigenmann.

Si Kim ang ‘Brainy High’ na si INDI (Indira de la Concepcion), na ang ambisyon ay maimbento ang anti-love formula.

Si Gerald ang ‘MVP High’ na si MJ2 (Michael Jordan Ramirez), na ang pangarap ay maabot man lang ang kalahati ng achievements ng kanyang kuya.

Si Maja ang ‘Sosy High’ na si PRE (Precious Princess Jewel Samartino), na gustung-gustong mapabilang sa super kaduper sosy sorority na Alpha Alpha.

Si Jason ang ‘Nice Guy High’ na si NATHAN (Nathan Matriponio), na ang pangarap sa buhay ay maipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.

At si Geoff ang ‘Rebel High’ na si GAEL, na nangangarap magkaroon ng art exhibit.

Sabi ng direktor ng pelikula na si Mario Cornejo, "Bagay ang mga bata sa kani-kanyang karakter na ibinigay sa kanila."

Pahayag ng scriptwriter na si Jade Castro, "At lahat tayo, makaka-relate one way or another sa mga karakter na ito. Dahil minsan sa buhay natin, naging rebelde tayo, or we tried fitting in with others by imitating them, or sinubukan nating maging nice sa lahat.

"Magugustuhan ng moviegoers ang pelikula, dahil kuwento natin ito, at ang issues ng mga bida, naging issues din natin."

Comments (0)

Post a Comment