Article

0

Posted on : Monday, December 29, 2008 | By : shapap | In :

Gerald Andersonlaughs off accusation that "M.U." status with Kim Chiu is just a gimmick
Rose Garcia ( PEP ) 12.29.08
Aminado si Gerald Anderson na matinding pressure at challenge ang ginagawa niyang teleserye, ang Tayong Dalawa kunsaan, sila nina Jake Cuenca at Kim Chiu ang mga bida. Bukod kasi sa kanilang tatlo, suportado silang talaga ng magagaling at beteranong artista tulad nina Helen Gamboa, Cherry Pie Picache at Gina PareƱo.

"Nandoon talaga siyempre ang pressure!" simula ngang pag-amin ni Gerald. "Sa nanay ko pa lang at sa lola ko-sina Ms. Gina at si Ms. Cherry Pie-doon pa lang. Pero alam mo yung ito ang pressure na gusto mo. Gusto mong mangyari based on experience. It's a learning experience kasi."

Sa kabila ng iniisip ng iba, masaya rin daw siya na hindi niya solo this time si Kim. Lumalabas kasi ngayon na silang dalawa na ni Jake ang mga bidang lalaki sa teleseryeng ito.

"Ay, no! Hindi, hindi, hindi!" tanggi muna ni Jake sa iniisip ng iba na hindi siya masaya sa billing ng show. "Itong si Jake, talagang kapatid ko yun. Sobrang close naming dalawa. At lalong naging close kami dahil dito sa Tayong Dalawa. Two weeks din kaming nag-workshop bago kami nag-taping."

Ayon kay Gerald, goodbye pa-tweetums na raw talaga.

"Wala na...bawal kasi yun dito, e. Pinapagalitan ako sa set kapag minsan lumalabas. Pero wala na, wala na..." natatawa niyang sabi.

SOLDIER BOY. Tungkol naman sa kanyang papel sa show, mahirap daw pala ang maging isang cadet.

"Sobrang hirap! Akala ko nga ang maging artista, mahirap na. Pero, sobrang hirap ang maging cadet din. Kasi, discipline. Kailangan gumising ka sa tamang oras. Kumain sa tamang oras. At respeto talaga."

Buong araw raw silang nag-training sa PMA (Philippine Military Academy) sa Baguio City.

"Isang buong araw kaming nag-training. Pero, hindi po kami nagu-good take hangga't hindi po talaga okey kasi. Bawal pong talaga. Hindi pa namin ilalabas na mali ang ginawa namin kasi, siyempre, lagot kami.

"At saka, every taping day namin sa PMA, may kasama kaming kapitan."

After that, na-imagine niya ba ang sarili na puwede siyang maging isang sundalo?

"Oo! Kahit before, gusto ko talagang maging sundalo. Bata pa lang ako. Kasi, ang tatay ko, ang uncle ko, lolo ko, sundalo. Actually, sundalo rin naman po ako, sundalo sa PBB," natatawang biro pa niya.

"Actually po, dream ko yun, e," pagpapatuloy ni Gerald tungkol sa pagiging sundalo nga.

THEY FINALLY ADMITTED. Before the year ends, both Gerald and Kim admitted that they do have a mutual understanding between them. Ito ay sa kabila ng pagkaka-link naman kay Gerald sa Kapuso star na si Pauleen Luna.

But the irony of it, kung kelan sila umaamin ni Kim na may understanding na nga sila, saka naman may mga nagsasabing hindi na naman daw sila because at that time na itinatanggi nila na sila, that was the time raw na sila talaga. Gimik lang daw talaga sinasabing tunay na status ng relationship nila ngayon. Ano ang masasabi niya sa ganoon?

"Ano pa ba ang gusto nila? Ano pa ba ang gusto nilang sabihin namin? Sinabi na naming M.U. kami, so, yun ang first step pa lang namin. Hindi po kami nagmamadali. Basta kami ni Kim, masaya kami."

Natatawang dugtong na lang niya, "Parang, puwede ba ‘yan? Sasabihin naming M.U. kami, pero, hindi kami. No, no, no! At saka, makikita pa rin nila yun, kung ano ang fake at saka kung ano ang totoo."

CHRISTMAS GIFT. Ano ang naging Christmas gift niya kay Kim?

"Ang Christmas gift kasi namin, delayed. So, hindi pa kami nagbibigay sa isa't isa. Baka after New Year na. Pero, may naiisip naman na kong ibibigay sa kanya."

Di kaya ang pinag-uusapang pink helicopter na ito?

"Hindi naman, hindi naman!" natatawa niyang sabi dahil noong debut ni Kim, niregaluhan niya ang ka-love team ng pink car.

This 2009, ano naman ang mga inaabangan niya at wini-wish niya?

"Tayong Dalawa... Sana, maging hit! Sana maging maganda ang outcome namin."

Less involvement ba sa ibang girls?

"Ha-ha-ha! Basta, ganoon pa rin! Kung ano ang ginawa ko sa 2008 kasi, naging napakaganda naman po ng 2008, so, sana, ganoon din po sa 2009."

Comments (0)

Post a Comment